Pages

TRILLANES TO DUTERTE: "WAWASAKIN KITA!" I WILL DESTROY YOU WITH THE TRUTH,”

“Wawasakin din kita, but I will destroy you with the truth,” buwelta naman ni Sen. Antonio Trillanes IV sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya na wawasakin niya ito.

“Sa akin, just try, itodo mo na, do your worst,” hamon ni Trillanes sabay bantang “hahabulin at hahabulin din kita.”

Tiniyak pa ng senador na wawasakin din niya ang Pangulo pero hindi batay lamang sa mga walang katotohanan at imbentong impormasyon tulad ng ginagawa nito sa kanya.

Loading...
“I will not destroy you by fabricated information but I will destroy you with the truth,” ayon kay Trillanes.

Kasabay na rin ito ng pagtanggi ni Trillanes sa alegasyon laban sa kanya ng Pangulo tungkol sa mga bank accounts umano ng senador sa ibang bansa.

Pumirma na rin ng waiver si Trillanes para bigyan ng awtorisasyon ang Office of the Ombudsman at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na buksan ang sinasabing mga bank account niya.

Hinamon din muli ng senador si Pangulong Duterte na pumirma rin ng waiver para mabuksan ang matagal na niyang sinasabing bilyun-bilyong bank deposits nito.

“Nagparatang ka sa akin, pumirma ka ng waiver. Nagparatang ako sa’yo isang taon mahigit na pero iniiba mo ang usapan, sinasabi mo buksan niyo pero hindi ka pumirma ng waiver.

Kung matapang ka at hindi ka kurakot, pu­mirma ka ng waiver gaya ng ginawa ko ngayon.

Magpakalalaki ka. Hindi ka mapoproteksyunan nitong baril mo sa tagiliran,” giit pa ni Trillanes.

Source

Loading...


POST A COMMENT