Pages

Recount sa Electoral Protests ni Sen Bongbong Marcos, Magsisimula na!

Kumpiyansa si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na pormal nang pasisimulan ngayong buwan ng Oktubre ang muling pagbibilang ng boto sa tatlong probinsya na sinasabing nagkaroon ng pagkakamali sa bilangan ng boto sa pagka-Bise Presidente.

Sa presscon sa QC, sinabi ni Marcos na magsisimula na ang retrieval ng mga ballot boxes mula sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur.

Kapag naidating na sa Metro Manila ang mga ballot boxes, pansamantalang ilalagak ang mga ito sa Supreme Court saka isasagawa ang decrypting ng mga lamang dokumento ng mga ballot boxes.

Wala na aniyang balakid sa recount dahil kumpleto na niyang nabayaran ang P66 million na itinakda ng Supreme Court na umuupong Presidential Electoral Tribunal.

Kinontra din ni Marcos ang pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ang pag-abandona nila sa paggamit ng testimonial evidence ay nagpapakita na namimingwit lamang sila ng ebidensiya .

Aniya, sa ngayon, tiwala sila na sapat na ang laman ng mga ballot boxes para patunayan na siya at hindi si Robredo ang tunay na nanalong Bise Presidente.

Source: RMN
Comment your thoughts below, hit Like and Share the article. Thank you!

Loading...


POST A COMMENT