Loading...
Batay sa kumakalat na umanoy diary ng isang David Wenham na sinasabing tubong London, United Kingdom, ang naturang foreigner ay na inlove sa nakachat na OFW na una niyang nakilala sa pangalang Karen Bangcoc.
Sa kuwento, nagsimulang magchat ang dalawa noong Mayo 2013, nagkasundo, nagmahalan sa pamamagitan chat at nagtagpo sa Hong Kong na kalaunan ay umuwi sa Pilipinas noong Nobyembre 2013.
Dumeretso ang dalawa sa Ammacian, Pinukpuk, Kalinga dala ang baon na pera ng foreigner at agad silang nagpasimula ng sari sari store na pinangalanang four kids store. Ikinuwento pa sa umanoy diary na sa unang apak niya sa Kalinga ay nagtitibang siya ng 280 libra na kalaunan ay nangayayat na parang kalanasay.
Naikuwento pa sa diary kung paano nagsibak ng kahoy, nagtadtad ng gabi para ipapakain sa baboy at nag-alaga baboy para maibenta.
Todong pagmamahal ang inilaan ng Briton sa babae na kalaunan ay nalaman niyang Maribel Agliam pala ang pangalan at ito rin ay may apat na anak. Ang pera ng foreigner pati napagbentahan niya ng bahay sa UK ay nagamit sa pagbili ng lupa, jeepney, mga appliances at pagpapatayo ng bahay at videoke bar. Sa likod ng mga kuwentong di maganda tungkol sa kayang minahal na babae ay nagkasama pa rin sila hanggang sa siyay inaresto ng Bureau of Immigration kamakailan lamang.
Huli na nang madiskubre ng Briton na siya lamang pala ay hinuthutan kanyang pinakamamahal at nakumpirmang habang silay nagsasama ng kanyang pinaglaanan ng lubos na pag-ibig at pera ay kung kani kanino daw na lalaki sumasama si Maribel kabilang na ang ilang sundalo, pulis at maging ang kanilang driver ng jeepney. Nakalahad ang sinasabing kwento ng Briton sa www.kwentongofw.com/2017/09/28/mountain-love-david-wenham-ammacian-girl-karen-story/. Sinabi ng foreigner sa kanyang umanoy diary na si Maribel pala ang nagsumbong sa kanyang pagiging overstaying sa Pilipinas. Isinuplong ang Briton sa dahil daw sa pamumogbog niya sa babae.
Sa ngayon ay apektado ang ilang taga Kalinga sa naturang kumakalat na kuwento at umaasa sila na mabigyan ng hustisya ang naturang banyaga kung totoo man lahat ang nailahad sa diary.
Source: RMN
Comment your thoughts below, hit Like and Share the article. Thank you!
Source: RMN
Loading...
POST A COMMENT