Pages

DATING SENADOR JINGGOY ESTRADA! PINAYAGAN NANG MAGPIYANSA NG SANDIGANG BAYAN!

Pinyagan na ng Sandigang Bayan 5th Division si dating Sen. Jinggoy Estrada na magpiyansa sa kasong plunder at graft kaugnay sa isyu ng pork barrel scam.

Tinatayang 1. 3 million ang itinakdang piyansa na posibleng bayaran ng kampo ni Estrada bukas.

Sinasabing naging 3-2 daw ang naging resulta ng botohan para sa ikalawang motion for bail ni dating Senador Estrada kaya pinahintulutan na siyang mag piyansa.

Loading...
Makakalaya sana ngayon ang dating Senador ngunit hindi na sila umabot sa pagbabayad ng piyansa sa Sandigang Bayan kaya bukas na lang daw inaasahang pansamantalng makalaya ang dating Senador.

Ang itinakdang piyansa na 1.3 million ay magbabayad ng 1 million para sa kasong plunder at ang 300,000 naman ay para sa kasong graft.

Kaugnay sa kaso niya ang tinanggap niyang 183 million pesos na kick back sa kanyang PDAF.

Ito na rin ang ikalawang beses na humiling si Estrada na makpag-piyansa matapos ibasura ng korte ang inihain niyang petition for bail nitong 2014.

Comment your thoughts, hit Like and Share the article. Thank you!

Loading...


POST A COMMENT